Hey!!!
Salamat sa pagpunta sa blog na ito. Ito ang Pinoy Toits!, ang blog na naglalayong itaguyod ang talento ng mga Pinoy na manunulat. Kung ikaw ay isang manunulat sa Filipino, mapa-tula man, sanaysay, kwento, rebyu sa musika o sine, at kung ano-ano pa, inaanyayahan kitang sumali at maging isa sa mga awtor sa blog na ito.
Kung gusto mong sumali, ipadala mo lang iyong pangalan (ang pangalan na ipapadala mo ang iyong magiging pangalan sa blog na ito, e.g., ang pangalan mo sa blogdrive, etc.), gulang (wag na magsinungaling... okey lang un...), lokasyon (kung saan ka sa mundo nakatira), kasarian, mga hobbies o mga trip mo gawin, at ang address ng blog mo.
Makiisa at ipamahagi ang iyong talento sa pagsulat. Sisikat ka na rin, sa wakas!!! :D
Salamat
Salamat sa mga kaibigan
Sa ating mga napagsamahan,
Sa ating mga kasiyahan,
Sa ating mga kalokohan.
Mga panahon na nagdaan,
Mga problemang nadaanan,
Hanggang sa huli'y ganyan,
Salamat, mga kaibigan.
Salamat sa lahat ng saya,
Pagtulong sa lahat ng problema,
Salamat sa pkikisama,
Sa lahat ng lungkot at ligaya.
Wala na 'kong mahihiling pa,
Nandito kayo'y ayos na.
Mga kaibiga't kabarkada,
Salamat at kayo'y nakasama.
Circa January 1999
Posted at 06:17 pm by
Patrickman
Permalink